Martes, Oktubre 14, 2014



                                                     Using Blog Sites for Education

       

In this generation there are a lots of materials that can be use in order to facilitate learning. One of these materials is using new technology that can provide to have a  meaningful learning experiences. Computer is one of the very known technology that can be used by teachers for presenting new topics or learning to the student. Blogsites are also part of this new technology, this is not only use for posting anything in order to be updated but it can be use as one of the convenient and comfortable way of learning.

Being a teacher, by usaing blog sites it can be consider as a powerful and effective technology tool for for the sake of the students. It can be use by the teacher as part of presenting the topic. Based on what I have learned in creating blogsites, the teacher must be creative enough in order to produce blogs that will surely catch the attention of your students, and he/she must be used it in an appropriate way. And to make sure that your student will become active during the discussion, use blogs in order to facilitate your student especially in conducting a classroom activity. Being a teacher also you can give opportunities to your studentss to create their own blog sites enble for them to experience this kind of technology.           

   Blog sites is another tool to have an effective and easy way of teaching and learning. It serves as a motivation for students especially to those who otherwise might not become participants in classroom activities. It also provides opportunities for students to read and write or express themselves by using blog sites. By using this, the important roles of the teacher is being a facilitator or mentor to his or her students in attaining excellence in learning.   





Huwebes, Oktubre 9, 2014

Maikling Pagsusulit sa Filipino

Pangalan:                                                                                                      Petsa:
Marka:       /20

Pagtukoy ng Uri ng Pang-abay

 Panuto: Isulat sa patlang ang titik PR kung ang pang-abay na may salungguhit ay pang-abay na pamaraan, PN kung ito ay pang-abay na pamanahon, o PL kung ito ay pang-abay na panlunan.

1. Tuwing alas singko ng umaga gumigising si Aling Dina.
2. Naglalaba ng mga damit si Aling Dina araw-araw.
3. Nakita ko siyang bumili ng sabong panlaba sa tindahan.
4. Matiyagang pinapaputi niya ang mga uniporme ng kanyang mga anak.
5. Si Ate Lorna ay naghahanda ng almusal sa kusina.
6. Masarap magluto ng tapsilog si Ate Lorna.
7. Tumungo sa hapag-kainan ang buong mag-anak.
8. Darating na mayamaya ang mga bata mula sa paaralan.
9. Naglakad nang matulin ang magkapatid.
10. Dali-daling tumakbo si Alicia sa kanyang inay.
11. Niyakap ni Aling Dina nang mahigpit si Alicia.
12. Nahalata ni Alicia ang merienda sa ibabaw ng mesa.
13. "Nagkaroon kami ng maikling pagsusulit kanina," sabi ni Alicia.
14. "Naunawaan mo ba nang mabuti ang leksiyon?" tanong ni Aling Dina.
15. Pumunta muna si Allen kina Jack dahil may hihiramin siyang aklat.

Martes, Oktubre 7, 2014

Content of Sample Lesson Plan
                                                                                 
  Ano ang pang-abay? 
                   
            Ang Pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Ang mga pang-abay ay nagsasabi ng kung paano, kalian, saan at gaano.

 Ang mga salitang may salungguhit ay tinatawag na pang-abay.

  • Masarap lumangoy sa dalampasigan ng Palawan. (Pandiwa)
  • Tunay na masaya ang mag-anak nang mamasyal sa Palawan.(Pang-uri)
  • Talagang masayang mamamasyal sa Palawan.(Pang-abay)
 

Uri ng Pang-abay
 1.      Pang-abay na Pamaraan – tumutukoy ito sa paraan kung paano ginawa ang isinasaad na aksyon ng pandiwa.
 Halimbawa:
Magaling sumayaw ng Tinikling si Ana

Matulin tumakbo ang kabayo ni Mang Ben.

Nagdasal nang taimtim si Janna.
 2.      Pang-abay na Pamanahon – tumutukoy ito sa panahon kung kalian naganap ang isinasaad na aksyon ng pandiwa.
Halimbawa: 
Ang buong pamilya ay nagsisimba tuwing Linggo.

Mamaya kami bibili ng pagkain

Maghahanda kami ng pagkain pagkatapos ng simba.
  

3.      Pang-abay na Panlunan – tumutukoy ito sa pook na pinagganapan ng aksyong isinasaad ng pandiwa.  Sumasagot ito sa tanong na saan.
Halimbawa:
Pumasok sa paaralan ang kambal.

Hinintay nila ang kanilang nanay sa harap ng gate.

Kumain sila ng cake sa bakery.



 

Huwebes, Oktubre 2, 2014


                                    Smile:) by Eraserhead

           I choose this song for all the people who experience challenges and down fall in life. Don't forget to put smiles on your face even there are a lots of problem that we need to survive. Just always smile to your problems:)




Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipino 4
Pang-abay
I.              Layunin
Sa  katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang
a.    natututukoy ang pang-abay sa isang pangungusap;
b.    nagagamit ang pang-abay upang makabuo ng pangngusap; at
c.    nauuri ang pang-abay
II.            Paksang Aralin
a.    Paksa: PANG-ABAY
b.    Sanggunian: 
·         Lalunio, Lydia P., Hiyas sa Wika. LG & M Corporation, Quezon City. 2007
·         Dayog, Alma M. Pluma 4. Phoenix Publishing House. Quezon city. 2002
c.    Kagamitan: flash card ng mga bugtong, mga bagay, kahon, larawan ng isang pamayanan, tourist spot, pista, activity card
d.    Pagpapahalaga: pagmamalaki sa kultura at pagiging  Pilipino
III.           Pamamaraan
a.    Panimulang Gawain
1.    Pagdarasal
2.    Pagbati
3.    Balik-aral
Ipapasa ng mga mag-aaral ang isang kahon na naglalaman ng mga bagay. Gagamit sila ng angkop na pang-uri upang ilarawan ang bagay na kanilang nabunot. Maaaring ipahula ang bagay na nabunot sa mga kaklase.
b.    Panlinang na Gawain
1.    Pagganyak
·         Itanong :
Ø  Sino sa klase ang may alam kung ano ang bugtong?  Sinu-sino ang mahilig sa bugtong?
Ø  Mahalaga ba ang bugtong sa kulturang Pilipino? Bakit?
·         Sagutin ang mga sumusunod na bugtong:
a.    Nagsaing si Insiong, sa ilalim ng gatong. (Kinakain  ito, lalong masarap kung may tsaa)
b.    Isang balong malalim, punong-puno ng patalim. (Dito nagmumula ang iyong sinasabi)
c.    Wala sa langit, wala sa lupa, kung lumakad ay patihaya. ( isang sasakyan ito sa tubig)
d.    Wala na ang tiyan, malakas pa ang sigaw. (pinatutugtog ito sa simbahan tuwing umaga)
e.    Bituing buto’t balat, kung pasko lamang kumikislap. ( isinasabit ito tuwing pasko o di kaya ay kung malapit na ang pasko)
2.    Paglalahad
Itanong:
Sa unang bugtong, saan daw nagsaing si Insiong?
Sa ikatlong bugtong, papano lumakad ang tinutukoy na bagay?
Sa ikalimang bugtong,kailan naman kumikislap ang bituing buto’t balat?
Ipasuri ang mga sumusunod na pangungusap:
·         Nagsaing si Insiong sa ibabaw ng gatong
·         Patihayang lumakad ang bangka
·         Tuwing pasko kumikislap ang bituing buto’t balat.
Anong bahagi kaya ng pananalita ang mga salitang may salungguhit?
Ano ang pang-abay?
Suriin ang iba pang pangkat ng pangungusap:
Ang mga salitang may salungguhit ay tinatawag na pang-abay.
Masarap lumangoy sa dalampasigan ng Palawan.
Ø  Anong inilalarawan ng salitang masarap? (lumangoy)
Ø  Anong bahagi ng pananalita ang lumangoy? (pandiwa)
 Tunay na masaya ang mag-anak nang mamasyal sa Palawan.
Ø  Ano inilalarawan ng salitang tunay? (masaya)
Ø  Anong bahagi ng pananalita ang lumangoy? (pang-uri)
Talagang masayang mamamasyal sa Palawan.
Ø  Ano inilalarawan ng salitang talaga? (masaya)
Ø  Anong bahagi ng pananalita ang ? (pang-abay)
Samakatuwid, anu-ano ang mga salitang inilalarawan ng mga pang-abay?
Pangkatang Gawain:
Bumuo ng 3 grupo. Bawat pangkat ay bibigyan ng Folder. Bibigyan ng guro ang bawat grupo ng oras upang matapos ng grupo ang lahat ng kailangang sagutin sa Activity Card. Kapag natapos ang mga Gawain sa Activity Card, ipapasa ito sa kabilang grupo at gagawin naman ang panibagong Activity Card na naipasa sa sariling grupo. Kailangang masagutan ang 3 Activity Card na ibibibgay sa inyo. Maghandang ibahagi ang inyong gawa sa klase.
Activity Card 1
Pang-abay na Pamaraaan
Pansinin at suriin ang mga pangungusap:
Magaling sumayaw ng Tinikling si Ana
Matulin tumakbo ang kabayo ni Mang Ben.
Nagdasal nang taimtim si Janna.
Ano ang inilalarawan ng mga salitang may salungguhit?
Anong tanong ang sinasagot ng mga ito (na kung ang magiging sagot ay ang mga salitang may salungguhit)?
Ang pang-abay na pamaraan ay mga pang-abay na naglalarawan o nagsasabi ng paraan kung paano ginagawa ang kilos ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na paano.
                     


 Activity Card 2
Pang-abay na Pamanahon
Suriin ang mga pangungusap:
Ang buong pamilya ay nagsisimba tuwing Linggo.
Mamaya kami bibili ng pagkain
Maghahanda kami ng pagkain pagkatapos ng simba.
Ano ang inilalarawan ng mga salitang may salungguhit?
Anong tanong ang sinasagot ng mga ito (na kung ang magiging sagot ay ang mga salitang may salungguhit)?
Ang pang-abay na pamanahon ay mga pang-abay na naglalarawan o nagsasabi kung kailan ginagawa ang kilos o pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na kailan.
Activity Card 3
Pang-abay na panlunan
Suriin ang mga pangungusap:
Pumasok sa paaralan ang kambal.
Hinintay nila ang kanilang nanay sa harap ng gate.
Kumain sila ng cake sa bakery.
Ano ang inilalarawan ng mga salitang may salungguhit?
Anong tanong ang sinasagot ng mga ito (na kung ang magiging sagot ay ang mga salitang may salungguhit)?
Ang pang-abay na panlunan ay mga pang-abay na naglalarawan o nagsasabi kung saan ginawa ang kilos ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na saan.
c.     Pangwakas na Gawain
1.    Paglalapat
Magpangkat-pangkat. Batay sa larawang hawak, gumawa ng 3 pangungusap na may pang-abay. Maari itong may pang-abay na pamaraan, panlunan o pamanahon. Salungguhitan ang pang-abay at bilugan ang salitang inilalarawan ng pang-abay.
2.    Paglalagom
Ano ang pang-abay?
Anu-ano ang uri ng pang-abay?
IV.          Pagtataya
A.   Salungguhitan ang pang-abay sa bawat pangungusap.
1.    Nagbakasyon ang mag-anak sa Tagaytay.
2.    Babalik na sila sa isang lingo.
3.    Magkikita kami ng aking pinsan sa restoran.
4.    Masayang ikinuwento ni Lisa ang kanyang mga naging karanasan.
5.    Tahimik naman akong nakining sa kanyang mga kwento.
B.   Tukuyin kung ang mga salitang may salungguhit ay pang-abay na pamaraan, pamanahon o panlunan.
1.    Maagang pumasok si Noel.
2.    Sinagot nang mabilis ni Jessie ang bugtong ng guro.
3.    Tuwing hapon, naglalaro ng bugtungan ang mga magkakaibigan.
4.    Dadalaw kami sa bahay nina Lola Nena.
5.    Masayang nagbugtungan ang mga magkakaklase.
V.           Kasunduan
Magsalaysay ng isang karanasan sa isang pagdiriwang na hindi malilimutan tulad ng pasko, pista, kaarawan at iba pa. Gumamit ng mga pang-abay sa pagsasalaysay.
Inihanda ni:
                                                                                                                                   Alma V. Reynaldo
        


 Source: http://teacheralmashaven.blogspot.com/2012/04/mala-masusuing-bnaghay-sa-filipino-4.html