Ano ang pang-abay?
Ang Pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Ang mga pang-abay ay nagsasabi ng kung paano, kalian, saan at gaano.
Ang mga salitang may salungguhit ay tinatawag na pang-abay.
- Masarap lumangoy sa dalampasigan ng Palawan. (Pandiwa)
- Tunay na masaya ang mag-anak nang mamasyal sa Palawan.(Pang-uri)
- Talagang masayang mamamasyal sa Palawan.(Pang-abay)
Uri ng Pang-abay
1. Pang-abay na Pamaraan – tumutukoy ito sa paraan kung paano ginawa ang isinasaad na aksyon ng pandiwa.
Halimbawa:
Magaling sumayaw
ng Tinikling si Ana
Matulin tumakbo
ang kabayo ni Mang Ben.
Nagdasal nang taimtim si Janna.
2. Pang-abay na Pamanahon – tumutukoy ito sa panahon kung kalian naganap ang isinasaad na aksyon ng pandiwa.Halimbawa:
Ang buong pamilya ay nagsisimba tuwing Linggo.
Mamaya kami bibili
ng pagkain
Maghahanda kami ng pagkain pagkatapos
ng simba.
3. Pang-abay na Panlunan – tumutukoy ito sa pook na pinagganapan ng aksyong isinasaad ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na saan.
Halimbawa:
Pumasok sa paaralan ang kambal.
Hinintay nila ang kanilang nanay sa harap ng gate.
Kumain sila ng cake sa bakery.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento